Sunday, January 10, 2010

Chronicles Of An Emo

Chronicles of an Emo
by Dwight Labilles and Christian Durana

This is a story unfolded by blood and raised from the heartbreaking hymns of the night. This is me, I am who I am (kasalukuyang nakikinig ng typecast). Ako si Cedrick Dumakel, Mael for short. About 45 kilos pag busog, 38 kilos pag gutom at nababawasan ng dugo kakalaslas. Ako’y hindi emo, goth ang preference ko. At dahil sa iba na ang tawag sakin ay emo, hindi ko mapigil na umiyak (Emoism #1).

I’m sweet, thoughtful and chubby. My favorite color is red kasi its close to black eh, I also like flowers… with thorns… and I’m currently listening to some melancholic songs such as those of vilma santos (jingle bell rock), Hilda koronel (I saw mommy kissing santa clause) and my two favorites ariel rivera and nonoy zuniga.

Its me vs the world. Sabihin man nila na I suck pero I just wanna express myself eh. Its not bad naman diba if I wear vans from cartimar, old fitted t-shirts and pants (all black) with my hair styled so good that I looked like the vocalist of boys like girls. Pero hindi parin ba sapat ito para patunayan na hindi ako emo?!? Isa akong biktima ng diskriminasyon! Ito ako, tanggapin niyo kung ano ang pagkakatao ko!

-Nagkaroon Siya Ng Flashback-

“Tol, ano pinakikinggan mo?” Tanong ni Ron Ivan, ang bassist ng bandang kinabibilangan ni cedrick. Idinagdag niya, “Tol sumama ka sa akin, may gig ang typecast! Lupit ng tugtugan, maraming emo’t poser dun! Hindi ka makakaexperience ng boredom! Mawawala ka sa room 402!”

Matapos magsakal gamit ang telephone cord, tumayo si Ced. “O? Talaga pare? Sige sama ako! Sugatan puso ko ngayon eh, kakabreak lang namin ng syota ko… My veins and my heart are now bursting into flames. With the last words I heard from her, “Penge ketchup”, my world was crushed. (Emoism #2)

“Ouch tol” Sabay singit si Erik Jon, ang poging vocalist ng banda. “Tol alam ko nararamdaman mo, kaya sige dadamayan muna kita, inom tayo ng betadine buong gabi.”

“Oo tama!” Sabi ng magiting na lalakeng si Ron. “Sama ako sa trip niyo bago tayo pumunta sa gig ng typecast. Inuman muna ng betadine! Kasi, our heart bleeds, this might help. (Emoism #3)

Sa kwarto ni Ced ang setting, pagpasok mo’y tatambad ang iba’t ibang bagay na kulay itim. Mga posters ng mga banda, mga koleksyon ng freedom art, mga pekeng sneakers at pati narin ang mga picture ni mart tabilin. Pero siyempre, mayroon ding background music na galing sa walkman ni Ced.

Habang sila ay nagdridrinking session, narindi ang nanay ni Ced. (Now playing The Used). Sabay sigaw “Hoy Cedrick! Nabubuang ka nanaman! Imbes na magkulong ka diyan eh ipagmasahe mo tatay mo! Ayan lulongluolong na naman! Mabubugbog ako! (Ang tatay ni Cedrick ay isang Ghetto Gangster… Sardinas lang ang ulam nila ngayon kasi bumili nanaman ang tatay niya ng bling bling)

At dahil dito, inakyat na ng tatay ni ced ang kwarto niya. (Obvious ba? Bawal sa batas ng bone thugs n’ harmony yan, yung nakakarinig ng boses ng isang glam rock vocalist)

Nagbunganga ang tatay ni ced, dahil dito, hindi magkandamayaw si Mael “Ano na ang gagawin ko? Kailangan di kami mahuli ng tatay ko na umiinom ng betadine at agua oxigenada. Sadness naman oh!”

Good thing nakakita si ron ng softdrink bottles at… “Ced, Erik, ganito… Kunwari iba iniinom natin. Ah yun oo… umiinom tayo ng softdrinks!” Sakto binuksan ng tatay ang pinto.

”Eenow (hik! Hik!) Gwinagaweh niyu homies (Hik! Hik! Uli) dowmudroga nanaman kehyoh nowh! (hik!)” Sabi ng ghetto niyang papa.

“Ahh, i-i-tay ka-kwa… ahh ta-ay kwan ahh na-ag-nagiinuman po…” kagat labi na sinabi ni Ced.

“Ahnowh iniiinowm ninyoh? Bihr?” Sabi ni ghetto papa.

“Hindi po… (hihi, patay)… Su-su-suftdrinks po…” Sabi ng kabadong Ron.

Agad sumagot si ghetto papa, “Kwala Koh (hu) tumotomah kayoh nangh serbesa! Hala sige Cedrek, masahe!”

“Opo Ghetto Papa” Sagot ni Cedrick habang tumutulo ang luha mula sa kanyang magandang mga mata.

Pagdating ng alas-dose, tulog na si Ghetto Papa na bonjing at kalbo at naka-jersey.

Habang tulog si Ghetto Papa, nagkaroon ng pagkakataong makatakas sila ced, ron at erik. At dahil sa great escape na ito, dumami ang kanilang pimples.

Nagsalita si Erik, “Hala Ced! Pano na ito!? Magagalit sakin si sugar mama, marami na akong pimples dahil sa puyat!”

“Tol! Hindi mo ba alam na fashion statement yan? Maraming emo ganyan! Kung ayaw mo, pahaba ka ng bangs para hindi makita.” Sinabi ni Ced habang pinapakta ang picture ni Joseph.

Pagdating sa gig ng typecast, maraming nagtalunan, headbangan at topless! “Walang ganito sa POGI ROCK! This now, is Life!” Sinabi ni Ced.

Pagpasok nila ay tinugtog ang boston drama ng typecast. Will you come back in a heartbeat? Tell me how boston is like without me… (Emoism #4)

Humiyaw si Ron nang kantahin ito. “Oh may god! Masaya pa ito sa trigonometry!”

Ngunit bago pa man matapos ang kanta, ay bigla dumating ang isang grupo ng mga pogi na naghahamon ng showdown.

Nagulantang ang mga emo at poser. Nagsalita si Erik, “Himihiyaw na ang mga babae, mga pumipikit-pikit effects ng vocalist sa harap ng babae, kamukha ni champ lui pio ng hale na laging pinaplay ang mga kanta sa radio! Isa lang ang ibig sabihin nito! Dumating na ang… POGI ROCK!”

Popopopogipogi!

Ganun na lamang ang paglaki ng mga matang may eyeliner ni Ced. Hindi niya alam na bawal pala sa batas ng mga emo, ang makinig sa pogi rock, sino man ang makinig at di magbato ng kamatis pag-nagperform ang mga pogi bands ay tatanggalin sa samahan at ipapakinig sa kanila ang is it over ni Jaya.

2 comments:

Taiyou-chan (^.^) said...

HAHAHAHAHA!! Adik naman ng storyang to! Kawawa naman si Ceds!
BETADINE?! Mygooosh. Buhay pa ba sila? XDD

Dwight Russel said...

haha eawn ko katamad ituloy eh!