My Love: The Alyssa Reyes Story Part 2
Writers: Christian Durana & Dwight Labilles
Si Erik ay dagli-dagliang umuwi sa kanilang bahay at sinalubong ng halik ng kanyang ina.
"Nay Mano po!"
"Pagpalain ka ni Raul Gonzales anak..." sinabi ng kanyang nanay.
"Inay... sa pagtapak ko sa bagong kabanata ng aking buhay, lilipad ako at aabutin ang tugatog ng bituin... susuungin ko ang bawat hamon na pumaindalog sa akin... layunin... at pipiliting umahon sa balon ng mga pagsubok... Inay..." kanyang sinabi
"Anak?"
"Inay..."
"Anak sabihin mo..."
“Eh Inay…” Sinabi muli ni Erik.
“T… I… Sabihin mo na!” Sinigaw ng kanyang ina.
“Nay… pangarap ko maging iskwater sa Edsa…”
-Tunog ng Grasshopper-
“Anak Bakit?” Tanong ng inay
“Eh kasi nay para matupad pangarap naming ni Neknek at matapatan si Johnry Ogot, manager ng Jollibee…”
“Anak, pinalaki kita ng buong pagmamahal… Alam mong kaya kong iwanan ang lahat para sa’yo… Kahit hindi ko ubusin tong pansit na puno ng protein para lamang sa’yo. Sige kuna para sa ikakasaya mo… papayagan kita bagamat masakit.”
“Salamat inay!” Sinabi ni Erik habang niyayakap ang kanyang inay. “Nay pwedeng humingi ng pamasahe?” kanyang tinanong.
“Sige eto 150… Kinita ko yan mula sa pagtatabas ng kamote…”
“Salamat inay… baka po pwede dagdagan niyo…” Tinanong ni Erik.
“Walang hiya ka anak! Oh sige eto ang bente...tumaya ako sa may palabunutan sa karnabal sa plaza...yan ang napanalunan ko”
“Wow!!! 170 pesos and 25 centavos! Sapat na ito! Yayaya! Salamatski inay!” Matapos nila magusap, si Erik ay dumiretso sa bus station. “Wow! ang ganda ng bus...maraming kulay at makulay din ang tv(yung kulay pag sira)” kanyang sinabi. Ngunit sa pag-alis ng bus..
“Erik!” Dumating si Johnry Ogot, manager ng Jollibee.
“Ha!!! Bakit ka nandiro Johnry Ogot, manager ng Jollibee at tanging tagapagmana ng sidecar?!” sinigaw ni Erik.
“Di ka na maaring makaalis sa lugar na ito! Di ko hahayaang matupad ang pangarap mong maging iskwater sa edsa” Sinagot ni Johnry.
“Pano mo nalaman yun man?” tinanong ni Erik.
“Ah e kwan nagpapatuka ako ng pabo malapit sa inyo at narinig ko lang”
Sabay sumigaw si Johnry. “Kalimutan mo yun naparito ako upang tigilan ka!”
“Di mo ako mapipigilan paalis na ang bus na ito at wala kang ticket!”
Sumigaw muli si Johnry. “Yun ang akala mo! binili ko na ang bus liner na ito! hahahha! Dahil ako si Johnry Ogot, Manager ng Jollibee at tanging tagapagmana ng blah blah…”
“Hindi maari!” Lumuhod si Erik.
“Hanggang diyan ka na lang sa tapat ng tindahan ni aling mameng hhahahahah!”
“Kahit anong gawin mo...Di mo ako mapipigilan!” sinagot ni Erik habang tumutugtog bigla ang music ng power rangers. Bumaba si Erik at tinulak si Johnry at itinapon sa kanal. Matapos itapon si Johnry sa kanal, nakakita si Erik ng isang trak na puno ng dayami a doon siya sumakay patungong Edsa.
-Lumipas ang ilang araw-
“Woo nasa Edsa nako! Nakikita ko na ang maraming tarpaulin at karton na pwede kong gamiting kasangkapan sa aking bahay! Woohoo! Malapit na matupad ang aking pangarap na maging iskwater!!! “ Sinigaw ni Erik. Makalipas ang ilang minuto, si Erik ay nagsimula maghanap ng tirahan. Sa paghahanap, nahanap niya si Spo1 Tutri.
“Sir, may alam po ba kayong karton na matitirahan? Pangarap ko po kasi maging iskwater.”
“Aba’y oo! Halika’t sumama ka sa aking bahay…” Sinabi ni Spo1
Makalipas ang ilang oras, nakatulog si Erik. “Hay ano nangyari!? Ang sarap ng tulog ko ah! Wow pwede na tong bahay nato para sa amin ni Neknek at sa magiging sampu naming anak! Anon a kaya nangyari kay Spo1?”
“Nandito ako…” Sumagot si Spo1. Gabi-gabing magkasama si Erik at si Spo1 kasama ang barkada ng pulis.
Matapos ang ilang araw, sumulat si Erik sa kanyang nanay.
Mahal kong inay,
Happy Moriones Day inay! alam kong nasa mabuti kang kalagayan kasama si mang gusting...sana'y wag mo kalimutan yung mga pinaalala ko sayo na wag mo nang sabayan mga sayaw ni Elvis Presley baka magkarayuma ka at wag ka na munang makinig ng mga kanta ng Carpenters baka maglaslas ka na naman (inay, wag ka na kasing sumabay sa mga emong kabataan ngayon) matanda ka na… Nay siyangapala, sumulat ako upang malaman mong nasa mabuti akong kalagayan… Inay, nakilala ko si spo1 tutri, isa siyang mabait na pulis...lagi niya akong pinapakain at pinapainom… Nagtataka lang po ako, pagkatapos ko po kumain,nakakatulog ako… At pagkagising ko masakit ang katawan ko lalo na ang aking puwitan… Kung anu-ano ang pinapasak nila… Tapos inay,binibigyan niya ako ng pera kasi may ipinapatago siya sa aking tawas, ewan ko kung bakit ayaw niyang gamitin yun… Binalaan niya ako na wag gamitin yun...kaya kahit may putok na ako ay tinatago ko lang ito...kasi bawat araw binibigyan niya ako ng 300 kada tago ko sa tawas na iyon…. Nay,pakisabi kay Alyssa balang araw makakapagpalimos ako ng pera para mapapunta ko siya rito… sige ho inay!mag-ingat kayo!
Your son,
Erik
“Ayan! Ipapadala ko na ito sa post office!” Sinabi ni Erik.
Malipas ang isang araw, nakarating ang sulat sa nanay ni Erik. “Ang galing! mga kapitbahay! iskwater na ang anak ko sa maynila!” Sinigaw ng inay. At dahil dito, narinig pareho ni Alyssa at Johnry ang balita mula kay Erik.
Sumigaw naman si Alyssa. “Wow! iskwater na si erik,matutupad na ang pangarap namin. Masaya ako para sa kanya!”
“Naku! natupad na ni erik ang pangarap niyang maging iskwater kailangan kong gumawa ng paraan para guluhin ang buhay nila ni Alyssa...” Biglang napatigil si Johnry. “Hahahah! Alam ko na! Magpapanggap akong mabait kay alyssa para mapasama ko agad siya sa edsa at pagdating dun magpapanggap akong mabait kay erik at unti-unting sisirain ang kanyang buhay”.
Ang tawa ni Johnry ay narinig ni Alyssa. “Hoy Pandak! Anong ginagawa mo rito?”
“Ah ewan! Hihingi sana ako ng patuka ng pabo sa nanay ni Erik…” palusot ni Johnry.
“Ahh!” Sinabi ni Alyssa. Matapos ito, naglakad palayo si Alyssa.
“Ah Neknek! Teka lng! Wait! Sandali! Hintay! Tigil! Halt!” Sinigaw ng humahabol na Johnry. Habang Tumatakbo, si Johnry ay nakatapak ng Jerbaks [tae] sa kalye. Nang makahabol kay Alyssa, nagpahid siya ng paa sa kalye at sinabi “Wag mo nalang tignan ang jerbaks sa aking paa, patawarin mo ako sa aking mga kasalanan sa inyo ni Erik. Alam kong mali ang lahat ng iyon.”
“Hindi ako maniniwala sayo! Alam kong niloloko mo lang ako! Tignan mo nga yang sarili mo! Di kapanipaniwala itsura mo! May jerbaks ka pa sa paa… Yak!” Sinabi ni Alyssa.
“Aba’y Hindi! (sabay bulong sa sarili: mukhang mabubuko ako) hindi totoo yan, sa katunayan pupunta ako Edsa para humingi ng tawad kay Erik at plano kong isama ka bilang parte ng kabayaran sa mga kasalanang nagawa ko.”
“Talaga?” Tanong ni Alyssa
“Oo… Pangako… Pwede ba tayo maging magkaibigan muli?” Sinabi ni Johnry habang pasimpleng pinapahid ang Jerbaks sa palda ni Alyssa.
“Oo, sa kabila ng jerbaks sa paa mo, alam kong kapatawaran ang hangad ng puso mo...at napatunayan mo ito,patawarin mo rin sana ako kung naging mas matimbang ang pag-ibig ko kay Erik. Johnry Ogot, manager ng Jollibee, mahal kita bilang kaibigan, at dahil dun, papatawarin kita.”
Kamakalawa, tumungo sila ng Edsa. Samantalang si Erik ag nagbebenta ng mga chinese na cellphone sa Sta. Mesa at namamalimos sa Edsa. "Sa wakas, natapos na rin ang trabaho sa araw na ito, marami akong nabentang cellphone na galing sa tsina at nakapalimos na rin ako...pagod na ako mabuti pa'y matulog na ako sa unan kong gawa sa sako at kutsong gawa sa karton..." Nung gabing yun habang natutulog, nagising siya nang may sumigaw sa labas.
"Tao po! Pwede po ba kay Erik?"
"Sige pasok, paki taas na lang yang pintuan kong gawa sa tarpaulin." Sagot ni Erik.
At sa pagtaas ng pintong Tarpaulin ay sumambulat ang isang pamilyar na mukha. Gayon na lamang ang pagkagulat ni Erik. "Johnry Ogot, manager ng Jollibee! Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Erik.
"Huminahon ka Erik, nandito ako upang humingi ng kapatawaran sa mga nagawa kong pagkakasala. Alam kong mahirap pero totoo at mabuti ang hangarin ko."
"Talaga? Walang hiya ka! Sa tingin mo mahuhulog ako sa patibong mo? Pagpasok mo palang dinumihan mo na karton ko ng jerbaks mo sa paa! Tinamo oh! Tinutulugan ko kaya yan!" Sinigaw ni Erik.
"Hindi Erik, totoo na talga ito, katunayan may sorpresa ako sa'yo"
"Ano naman iyon?" Pagtanong ni Erik biglang pumasok si Alyssa.
"Erik!!!" Sinabi ni Alyssa.
"Neknek!" Sigaw ni Erik. "Ano ba itong mga tao na ito, puro jerbaks. Amoy tae na tuloy yung karton ko..."
"Diba? Totoo sinasabi ko..." sinabi ni Johnry Ogot.
"Totoo ngang totoo ang paghingi mo ng patawad. Kakalimutan ko nalang muna yung pagkalat mo ng jerbaks sa karton ko. Pinapatawad na kita Johnry Ogot, manager ng Jollibee..."
"Salamat!"
"Walang anuman..." Sabay tingin kay Alyssa. "Isa ka nang patapon... patapon...” Sinabi ni Erik.
[Dun Dun Dun... To Be Continued... 12:35 Na... Matutulog na kami...]
Monday, June 23, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment