Monday, June 23, 2008

My Love: Alyssa's Story

My Love: Alyssa's Story

Writer: Christian Reynan I. Durana & Dwight Roussel Glenn M. Labilles

Ako si Alyssa, pero ang tawag sa akin ng iba ay Neknek. Ako'y simpleng nagpapakain ng mga pabo sa aming pastulan, Kahit ako’y ulila na, ako parin ay may pangarap. Ang pangarap na maging tindera ng icepop sa Quezon City. Pero kahit papano, naging masaya ako kahit ganito ang buhay ko. At dahil ito sa aking pinakamatalik na kaibigan na si Johnry. Dahil ang aking kaibigan na si Johnry ang nagpapasaya sakin. Dala niya kasi lagi ang ipod niyang punung-puno ng apat na kanta. Araw-araw niya akong kinakantahan ng mga kanta ni Imelda Papin. Pero parang may lihim na itinatago si Johnry sa akin.

-Dumating Si Erik… Natulala at Nataranta-

“Hay naku! Andyan na naman si Erik!” sinabi ni Alyssa. Binulong niya kay Johnry. “Siyangapala, ayan ang kinaiinisan ko sa lahat, si Erik. Siya ang sumisira lagi ng araw ko.”

-Lumapit si Erik-

“Miss, bangko ka ba...coz i'm saving all my love for you…” sinabi ni Erik habang hinahawakan ang kamay ni Alyssa.

Gumitna si Johnry at sinabihan si Erik. “Hoy umalis ka nga kitang nagpapatuka ng pabo si Alyssa!”

Lumipas ang panahon at nasa tamang edad na sila. Minsan, nakita ni Erik si Alyssa sa may tindahan ni Aling Mameng umiiyak habang kumakain ng chocnut. Agad lumapit si Erik at tinanong “Bakit ka umiiyak?”.

Sumagot naman si Alyssa. “Layuan mo nga ako!”

Sabi naman ni Erik “Sige ka, pag umiyak ka, dadami dandruff mo.”

Napatigil si Alyssa. “O? Sige na nga, kahit pala papano mapapatawa mo ako…” sinabi niya nang nakangiti.

“Bakit ka umiiyak? Sabihin mo na… hindi naman nakahearing aid si Aling Mameng, di niya maririnig sasabihin mo, tayo tayo lang…” Tinanong mulit ni Erik.

“Sshhhh…. E kasi… iniwan at inaway ako ni Johnry…” sagot ni Alyssa.

Agad-agad nagalit si Erik at sinabi “P…. I…. mason yan! Nagawa ka niya ganunin! Kawawa ka naman… di bale… habang wala siya ay pupunan ko ng ligaya ang iyong mga luha…”

Hindi Nagtagal… mukhang nagkaigihan ang dalawa. “Ang kaligayahang ito ay hindi ko naramdaman kay Johnry… tanging si Erik lang ang nakapagpasaya sa akin nang ganito… Mas nagiging matimbang na sa puso ko si Erik… Hindi niya lang ako kinakantahan ng Michael Jackson, nililibre niya pa ako ng hopya at sinasayawan ng mocha… Pero, pano na si Johnry? Alam kong di niya magugustuhan ang mga nangyayari… Kahit pa man nasa Maynila siya upang maging part time janitor ng jollibee at full time bilang mekaniko sa talyer. At alam ko kahit inaway niya ako, mahal na mahal niya parin ako.”

Sinigaw ni Alyssa sabay tumawa si Erik “Lets Go!”

Nagdaan ang limang taon. Husto na ang kanilang isipan. Umunlad si Johnry, siya na ay naging supervisor ng mga janitor at manager ng Jollibee. Samantalang walang nagbago kay Erik. Siya parin ay tagachop-chop ng bulalo. Ngunit sa mga panahong iyon, naging mas matimbang na ang pag-ibig ni Alyssa kay Erik. Sabay sa park, sila’y nagkukulitan.

“Ano ba.. hihihi” Sinabi ni Alyssa.

“Pakurot lang…” Sumagot si Erik habang sinisiksik si Alyssa.

“Ahihihi… Ikaw talaga! Ang kulit kulit mo!” kanyang sinabi habang hinihila ang buhok sa kili-kili ni Erik.

“Yayaya! Pabunot nga rin sa hair mo!” sinabi niya nang bumunot siya ng buhok.

Matapos ang kanilang usapan, nagkakiligan moments. Ngunit parang summer, umuulan din. [heartbeat raises] [Tenen! Thriller] Sa di-inaasahang panahon, bumalik si Johnry sa probinsiya at nakita ang kasiyahan ni Alyssa at Erik.

“Anong kaguluhan ito?” Sinigaw ni Johnry.

“Ah ewan…” Sumagot si Erik.

“Hindi mo ba ako nakikilala?” Tinanong ni Johnry.

“Ako si Johnry Ogot, Manager ng Jollibee at Tagapagmana ng Hacienda Sta. Filomna, 2 Talyer sa Quezon City at 1 Sidecar!” sinabi niya habang nakatitig kay Erik.

“Di mo mapipigilan ang pag-alab ng puso ko sakanya! Mahal ko si Alyssa! Itatago ko sa kahit saan man!” Sinabi ni Erik habang tinatago si Alyssa sa likod niya.

“Itago mo man siya sa bodega ng basura! Mahahanap ko kayo! Dahil ako si Johnry Ogot, Manager ng Jollibee at Tagapagmana ng Hacienda Sta. Filomna, 2 Talyer sa Quezon City, 1 sidecar at kumakandidato bilang bise-konsehal!” sinigaw niya.

“Oo nga wala akong magagawa, kailangan kong mapantayan si Johnry Ogot, Manager ng Jollibee at Tagapagmana ng Hacienda Sta. Filomna, 2 Talyer sa Quezon City at 1 Sidecar. Kailangan kong pumunta ng Edsa't matupad ang pangarap kong maging isang iskwater nang may mapatunayan kay Johnry Ogot, manager ng Jollibee at tanging tagapagmana ng Hacienda Sta. Filomena, 2 talyer sa Q.C at 1 sidecar” Sinabi ng kinakabahang Erik habang lumalapit kay Alyssa. “Hanggang dito muna tayo irog...pinapangako ko pagpunta ko sa edsa, isusunod kita at titira tayo sa iskwater,magkakaanak ng marami at mamalimos sa Edsa.”

Sumigaw si Alyssa “Erik! Mahal na mahal kita ... di ko pababayaang mapunta ako kay Johnry Ogot, manager ng Jollibee at tanging tagapagmana ng Hacienda Sta. Filomena, 2 talyer sa Q.C at 1 sidecar!”

Sumingit naman si Johnry at sinabi kay Alyssa. “Halika na’t sumama ka sa akin. Isa ka nang patapon! Patapon! Dahil hinawakan na ni Erik and iyong buhok!”

“Huhu... Paalam Erik… Susunod ako sayo sa Edsa… at magiging iskwater tayo pareho…” Sinabi niya habang umiiyak na sumasama kay Ogot, manager ng Jollibee.

-To Be Continued-

No comments: