My Love: The Alyssa Reyes Story.. Part 3
Writers: C.R. Durana & D.R. Labilles
“Halikayo sa aking higaang gawa sa karton…” sabi ni Erik. Sumama si Alyssa habang si Johnry naman nagpaiwan sa isang sulok.
“Sa wakas!,Napagsama ko na sila! Magagawa ko nang ipagpatuloy ang aking plano...Heto ang kutsilyo...Di ko lang sisirain ang buhay nila...papatayin ko pa sila wahahahahaha” bulong ni Johnry. Ang tawa ni Johnry ay napalakas at narinig ni Erik.
“Bakit ka tumatawa kaibigan?” Tanong ni Erik.
“Ah wala, natawa lang ako sa ginawa kong joke.” Sabi ni Johnry.
“Anu naman yun?:” Tanong muli ni Erik.
“Bakit nagtataas ng presyo ang bigas?” Sabi ni Johnry.
Sumingit naman si Alyssa at sinabi. “Bakit?”
“Because it rice…” Sabi ni Johnry.
Natulala sila Erik at Alyssa sa sobrang korni na joke ni Johnry. Lumipas ang ilang sigundo at napansin ni Erik ang hawak ni Johnry. “Siyangapala, bakit may hawak kang itak?”
“A eh kwan, may naisip akong laro…Pinoy, Patay, Bading. Bawat round magsasabi akong pangalan tapos huhulaan niyo kung pinoy,patay o bading,matalo sa bawat round ay maglalaslas.” Sagot ni Johnry.
“Sige ba! Pano ba maglaslas?” Tinanong ng isang nagtatakang Erik.
“Ah ganito yun…” Sabi ni Johnry ng inexplain niya kung papano. Matapos ito, sila’y naglaro na ng Pinoy, Patay, Bading.
-Nagdaan ang mga masasayang araw-
“Sigh...lahat na ata ng swerte napunta sa akin...bukod sa kasama ko na ang iskwater na mahal ko na si Erik, nagkabati pa sila ni Johnry, manager ng Jollibee at taginging tagapagmana ng 1 sidecar…” Sinabi ni Alyssa at nagpasalamat sa lahat ng biyayang nakuha niya.
Makalipas ang ilang oras ng kasiyahan, hindi parin matuloy-tuloy ang planong pagpatay ng manager ng Jollibee na si Johnry sa pagpatay sa dalawa. “Ano ba naman ito, di ako makatiyempo ... Maraming pagkakataon pero di ko magawa,ano bang nasa utak ko, kailangan ko silang patayin, sa mga susunod na araw, di na ako magpapaliguy-ligoy pa...papatayin ko na sila…” Bulong ni Johnry sa kanyang sarili. Nagdaan ang ilang araw at napagpasyahan na ni Johnry na patayin sila Erik ay Alyssa sa kanilang pagtulog. Nung gabing yun, kinuha ni Johnry ang itak at dahan dahang lumapit kina Erik. Ngunit sa pagsigaw ni Johnry “Papatayin ko kayo!” nagising sila Erik At Alyssa.
“Johnry! Manager ng Jollibee at tanging tagapagmana ng blah blah! Ano Ginagawa mo?!” Tanong ni Erik.
“Papatayin ko kayo!” Sigaw ni Johnry.
“Hayuf ka! Pinagkatiwalaan ka naming ni Erik, pinakisamahan ka namin at nilinis naming ang jerbaks sa paa mo! Bukod pa dun, ikaw nga ang umuubos ng cafe puro na nakalagay sa bote ng ginebra, pinapasyal ka pa namin sa malate dahil sabi mo maraming kalapati dung mababa ang lipad kaya madali makuha. Tas ito ang gagawin mo sa amin? Papatayin mo kami?!” Sigaw ni Alyssa.
“Sa madaling salita tinuring ka naming parang anak! Oo! Ikaw ang pangit naming anak! Plano ka pa nga naming isama sa highway ng edsa para mamalimos para ipakita na mahal ka naming!” Sigaw ni Erik. “Hayof kang lalakeh kah! Eto susuntukin kita!” –Wapak-
“Arouch naman… Masakeht yun ah! Etoh susuntukin kita sa mukha!” –Wapow!-
“Neknek! Tumakas ka na! Hayaan mong turuan ko ng leksyon si Johnry, manager ng Jollibee at tanging tagapagmana ng isang sidecar!”
“Oo Erik!” Sigaw ni Alyssa. [Tumakbo palayo si Alyssa at pasikretong tumawag ng barangay tanod]
“Hetoh ang Tupperware ng walang laman, pupunuin ko ito ng asukal para bumigat at maibato sa’yo!” [Pinuno ang Tupperware ng asukal] “Etoh sayoh! Leche kah! Ibabato ko nah!” Sigaw ni Erik.
“Nakailag ako! Bwahahahhaha!” Sagot ni Johnry.
“Shoongaloo! May extra akoh ditong palanggano at ibabato ko sa’yo ito!” –Wapak! Boom!-
“Arouch naman! Natamaan akoh! Ako’y makakatulog!” Sigaw ni Johnry.
“Tinamaan ko siyah! Woohoo! Ahk! Kailangan kong magtago dahil magigising pa itong si Johnry, manager ng Jollibee at tanging tagapagmana ng 1 sidecar!” Matapos isigaw ni Erik, siya’y agad-agad tumakbo palayo kay Johnry.
Nang magising si Johnry…
“Abah! Napatulog akoh ni Erik at mukhang nakatakas siyah! Sige magdadala na ako ng baril!”
Makalipas ang ilang minuto, nakahanap nadin ng taguan si Erik. “Ang ganda ng pinagtaguan ko: sa pink urinal ng mmda...nakaksiguro akong d ako makikita ni Johnry, manager ng jollibee at tanging tagapagmana ng 1 sidecar!”
Samantala sa barangay hall, “Mamang barangay tanod! Tulungan niyo po ako, may gusto pong pumatay sa akin at sa aking kasama, ngayon po sa tingin ko ay nagtatago ang aking kasama dahil hinahabol siya nung papatay sa amin”
“Alam mo ba kung nasaan na sila ngayon?” Sabi ng Tanod.
“Hindi poh… Maari po bang hanapin natin sila?” Tanong ni Alyssa.
“Tsk o sige!, sinira mo pa pagkain ko ng pan de monay,tsaka patulog na ako!” Sigaw ng Tanod.
“Sori poh at salamat nadin…” Sabi ni Alyssa.
Makalipas ang bente minutes, nakaabot din si Johnry sa kalyeng pinagtataguan ni Erik. “Erik! Alam kong nandyan ka! Lumabas ka na sa pinagtataguan mo!”
“Nakoh poh! Mukhang natutunugan ni Johnry, manager ng Jollibee at tagapagmana ng 1 sidecar kung saan ako nagtatago!”
“Alam ko kung nasan ka Erik! Umalis ka na dyan dahil makikita at makikita parin kita! Bwahhaahhaha!”
“Sigh, kailangan ko nang harapin si Johnry… Tama! Haharapin ko na siya ngayon din!” Matapos sabihin ito, siya’y lumabas sa kanyang pinagtataguan at hinarap si Johnry.
“Sinasabi na nga ba nandyan ka lang nagtatago! Mabuti naman at lumabas ka!” Sabi ni Johnry.
“Lumabas ako upang ipakita ang aking tapang…. Hindi ako natatakot sa isang taong member ng Jolly Force! Kahit pa man may baril ka! Tiga Jolly Force ka parin!” Sigaw ni Erik.
“Aba! Minamaliit mo ako porket miyembro ako ng Jolly Force! Pwes ipapakita ko sa iyo ang tapang ko! Lalabanan kita ng patas! Itatapon ko ang baril ko! Mano-mano tayo maglalaban… di mo ata alam na trainer ako ni Jose “Jaja” Johnson!” Sabi ng nagmamayabang na Johnry.
“Sino yun!” tanong ni Erik.
“Siya ang stuntman ni Phillip Salvador!” Sigaw ni Johnry.
“Ganun ba! Di mo ako magagapi!”
Matapos ang matinding pananalita, tumunog bigla ang music ng teen titans at nagsimula sila magsuntukan. Pow! Wapak! Kaboosh! Boom! Pak! Bakla! Piolo! Sabon! Kablag! Barbecue! Pandan! SiRaulGonzalezAyBading! Wapak! Matapos ang matagal na oras ng suntukan, parehas na silang duhuan. Lamang ngayon ang manager ng Jollibee na si Johnry. “Haha! Eto na ang huling oras mo erik! Magdasal ka na at sa susunod mong kindat,wala ka nang makikita kundi ang balang siyang kikitil sa iyong buhay! Wahahaha!” Sigaw ni Johnry.
“Hindih akoh SUSUKOH SAYOH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! LECHE KAH!!!!!!!!!!!!!!!!!” Siga ni Erik.
Habang papindot pa lang ng trigger si Johnry, “Sumuka ka na este sumuko ka na! Napapalibutan ka na naming tatlo!” Sabi ng Tanod.
Nagulat si Johnry at sa paglingon niya sa mga tanod ay sinipa siya ni Erik papunta sa gitna ng kalye. Sa kanyang paglipad sa kalye, saktong may dumaan na sidecar at nabangga si Johnry.
“Erik, mabuti naman at ligtas ka. Buti na lang nayaya ko itong mga tanod na pumynta rito. Matutulog pa daw kasi sila…” Sinabi ni Alyssa.
“Salamat Alyssa at dumating ka, kundi mapapatay ako ni Johnry, manager ng Jollibee at tanging tagapagmana ng 1 sidecar…” Sagot ni Erik.
“San ba parteng masakit…?” Tanong ni Alyssa.
“Dito sa bandang ibaba ng aking tiyan…” Sabi ni Erik.
“Pahawak nga…” Sabi ni Alyssa.
“Aray! Ang sakit ng pusod ko…” Sigaw ni Erik.
Lumapit ang tanod kay Johnry at sinabi. “Loko kang ogot ka! gagawa ka pa ng gulo dito, bagong salta ka pa lang sisiga-siga ka na! Hindi ka na nahiya! Binibigyan mo ng kahihiyan ang mabuting pangalan ng Jolly Force!”
“Di niyo magagawa sakin ito! Ako si Johnry Ogot, manager ng Jollibee, tagapagmana ng 1 sidecar at tatakbng bise konsehal!!!!!!!!!!!” Sigaw ni Johnry habang tinatali ng straw. Habang hawak ng mga tanod, tumigingin si Johnry kila Alyssa.
“Pagbabayaran nito itoh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” Muling sigaw ni Johnry.
“Pagbayaran mo mukha mo!” Sagot ni Erik. “Alyssa, ngayong wala na si Johnry, magiging Malaya at kampante na tayo. Natupad na ang pangarap ko. Naabot ko na ang kaibuturan ng langit at wala na akong hihingin pa.”
“Kahit kamay ko?” Tanong ni Alyssa.
Lumuhod bigla si Erik at sinabi. “Oo nga pala (sabay kuha ng singsing na gawa sa pwet ng baso) maaari mo ba akong pakasalan?”
Si Alyssa ay biglang napuno ng saya. “Erik! Mahal na mahal kita at di na kita pakakawalaN! Magiging saksi ang simbahan n gating pag-iibigan ni kamatayan ay hindi makahahadlang sa atin. SAbay nating akyatin ang matarok na bundok at magsasamang maligaya. Erik… Oo tinatanggap ko ang alok mo.”
“Salamat Alyssa! Tutuparin ko ang pangarap nating magka-anak ng marami at saby-sabay mamalimos sa mga highway sa Edsa!.”
Binulong ni Alyssa sarili. “Tapos na ang kabanatang ito ng aking buhay at magsisimula na ang bago, Bagamat maraming ulan ang dumating ay nagawa kong magpayong salamat kay Erik. Pinatunayan mo sa akin na masarap ang pagmamahalang iskwater!”
-The End-
Monday, June 23, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment